Binabantayan ngayon ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang low pressure area o LPA na nasa bahagi ng Batanes.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong apatnaraan at labin limang (415) kilometro silangan hilagang-silangan ng Basco.
Asahan ang mahina hanggang sa bahagyang malakas na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga Region.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.
By Ralph Obina
LPA namataan sa bahagi ng Basco Batanes was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882