Maaaring makaranas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang bahagi ng Visayas, Mindanao, at mga probinsya ng Mindoro at Palawan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil sa namumuong sama ng panahon o Low Pressure Area (LPA) na namataan 530 kilometro sa kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro.
Ang naturang sama ng panahon ay nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Visayas at Mindanao.
By Katrina Valle