Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng PAGASA sa bahagi ng Baler, Aurora.
Huling namataan ang LPA kaninang 3 a.m. sa layong 710 kilometro, silangan ng Baler, Aurora.
Inaasahang magdadala ito ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa mga lugar sa:
- Cagayan Valley,
- Cordillera Administrative Region,
- Camarines provinces,
- Aurora,
- Quezon, at
- Catanduanes.
Bahagyang maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dala naman ng localized thunderstorms.
Nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng maranasang landslides at flasfloods sa mga lugar na makararanas ng mga pag-ulan at pagkulog.