Namataan ang isang Low Pressure Area (LPA) sa layong 175 KM Silangan Hilagang-Silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur o 245 KM Silangan ng Butuan City, Agusan Del Norte kahapon ng hapon.
Ayon sa PAGASA, makakaapekto rin ang Northeast monsoon o amihan extreme Northern Luzon.
Makararanas naman ang Metro Manila, Mimaropa, Bicol region at Calabarzon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa LPA o shear line.
Ang Batanes at Cagayan kabilang ang Babuyan Islands naman ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa amihan.
Nagbabala naman ang PAGASA sa publiko sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.
Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan ang iiral sa Ilocos region, Cordillera Administrative Region, at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley dahil sa amihan. —mula sa panulat ni Hannah Oledan