Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang namataan nitong Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao na maaaring magdulot ng mga pag-ulan sa rehiyon subalit mababa naman ang tyansang maging kauna-unahang bagyo ngayong taon.
Huling namataan ang LPA 265 kilometro silangan-timogsilangan sa Davao City.
Itinaas naman ang gale warning sa mga sumusunod na lugar at posibleng tumaas ang alon sa mga karagatan mula 2.8 hanggang 4.5 meters.
- Batanes
- Babuyan Islands
- Cagayan
- Isabela
- Ilocos norte
- Ilocos sur
- La Union
Gayundin, asahan ang posibleng pag-ulan sa Metro Manila at Luzon, maulap at kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.
Samantala, mararamdaman din ang lagay ng panahong ito sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dulot ng LPA.—sa panulat ni Agustina Nolasco