Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Mindanao.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing LPA ay pinakahuling namataan sa layong halos 500 kilometro silangan ng Davao City at ito ay nakapaloob sa Inter Tropical Convergence Zone na nakakaapekto sa Mindanao.
Gayunman, ipinabatid ng PAGASA na mababa ang tsansang maging bagyo ng nasabing LPA.