Nanatili sa Philippine Area of Responsibilty o PAR ang Low Pressure Area o LPA.
Sa tala ng PAG-ASA, nasa layong 335km Silangan ng Borongan City Eastern, Samar ang lpa na nakakapekto sa hanging Habagat sa isla ng luzon.
Makakaranas naman ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Visayas, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at CARAGA dahil sa through ng LPA.
Maulap na papawirin naman na may kalat-kalat na ulan at thunderstorm ang mararanasan sa Cagayan Valley, Mimaropa, probinsya ng Ilocos at Apayao sanhi naman ng hanging habagat.
Sa metro manila naman at natitirang bahagi ng bansa, asahan ang maulap na kalangitan at isolated rain showers o thunderstorm.