Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa layong 655 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Ayon sa PAGASA, maliit pa ang tsansa na maging ganap itong bagyo.
Gayunman, nakaapekto ang trough o buntot ng LPA sa mga lugar sa Caraga at Eastern Visayas kung saan inaasang magdudulot ito ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.
Magdadala naman ng maulap na papawirin at mahihinang pag-ulan sa bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora at Quezon ang northeast monsoon o amihan.
Habang sa mga nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila, asahan na ang bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.