Patuloy pa ring binabantayan ng Pagasa ang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa layong 255 kilometers hilaga-hilagang silangan ng Borongan City, Eastern Samar o 270 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.
Ayon kay Pagasa weather specialist Veronica Torres, generally good weather condition ang malaking bahagi ng Luzon maliban nalang sa mga thunderstorms sa hapon hanggang sa gabi.
Makakaranas parin ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Bicol region at Palawan area.
Asahan naman na magiging maulap ang kalangitan na may mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa malaking bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao dahil parin sa lpa at hanging habagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:37 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:27 ng hapon.