Patuloy na nagbabanta ang isang Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng eastern Visayas.
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa layong limandaan walumpu’t limang (585) kilometro silangan ng Borongan City, eastern Samar.
Apektado naman ng northeast monsoon o hanging amihan ang northern at central Luzon.
Inaasahan ang maulap na papawirin sa na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorms sa Mindanao dahil sa amihan.
Posible namang makaranas ng bahagyang maulap na papawirin na may kasamang mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley at Cordillera Regions at mga lalawigan ng Aurora at Quezon.
Bahagyang maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na mahinang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at bansa.
By Drew Nacino