Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) na nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Linggo, Disyembre 31, 2017.
Huling namataan ng weather bureau ang nabanggit na sama ng panahon sa layong walongdaan at limangpung (850) kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Ayon sa PAGASA, nagbabantang mag-landfall ang LPA sa bahagi ng Eastern Visayas at Caraga Region, at posible itong lumakas bilang ganap na bagyo paglabas nito sa Sulu Sea.
Sakaling mabuo bilang ganap na bagyo, papangalanan itong ‘Agaton’ na siyang kauna – unahang bagyo ngayong bagong taong 2018.
Samantala, nananatiling dalawang (2) weather system ang umiiral sa buong bansa partikular na ang buntot ng cold front na nakaka-apekto sa Visayas at Bicol Region.
Habang hanging amihan naman o northeast monsoon ang nakaka-apekto sa hilagang Luzon na patuloy na nagdadala ng mga pag-ulan sa mga naturang lugar.