Tatlong weather system ang nakakaapekto sa loob ng ating bansa na binubuo ng northeast monsoon o hanging Amihan, Shearline at Low Pressure Area (LPA) na namataan sa layong 1,110 kilometers silangan ng silangang Visayas.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, patuloy na binabantayan ang LPA na posibleng maging bagyo ngayong araw at kung sakaling maging isang ganap na bagyo, tatawagin itong Bagyong Paeng.
Mataas ang tiyansa nito na manalasa sa silangang bahagi ng Luzon at posibleng hindi na tumama sa kalupaan pero hindi parin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na magladfall ito sa Central o Southern Luzon o Visayas.
Ang Shearline o ang pinagsamang malamig at mainit panahon mula sa Pacific Ocean parin ang nagdadala ng mga kaulapan sa bahagi ng Southern at Central Luzon maging sa Metro Manila.
Asahan din na mas mararamdaman ang epekto ng Shearline sa Southern Luzon partikular na sa Quezon Province, Bicol Region, at MIMAROPA habang makararanas naman ng mahihinang tiyansa ng pag-ulan ang Northern Luzon.