Ramdam na sa Eastern Visayas ang mga pag-ulang dala ng Low Pressure Area (LPA).
Partikular dito ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga bayan ng Alang-alang, Barugo, Dagami at Pastrana sa Leyte.
Ang nasabing sama ng panahon ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 500 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Nakapaloob ang sama ng panahon sa Inter Tropical Convergence Zone o nagsasalubong na hanging may dalang mga pag-ulan.
By Judith Larino