Patuloy na binabantayan ang isang Low Pressure Area o LPA sa bahagi ng Agusan del Norte.
Ayon sa PAGASA huli itong namataan sa layong 95 kilomtero silangan ng Butuan City, Agusan del Norte.
Dahil dito asahan na ang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa bahagi ng Bicol Region, Eastern Visayas, lalawigan ng Quezon, Romblon, Hilagang Cebu, Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao Islands.
Kasabay nito, pinaalalahanan ang mga residente sa mga nasabing lugar na maging alerto sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng ulan na dala ng LPA.
Habang magdadala naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang mahihinang pag-uulan ang umiiral na hanging amihan sa bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera at Aurora.
Gayundin sa Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Nakataas naman ang gale warning sa mga baybayin ng hilaga at kanlurang bahagi ng Northern Luzon.
—-