Nalusaw na ang binabantayang Low Pressure Area o LPA ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa bahagi ng Agusan del Norte.
Ipinabatid ito ng PAGASA kasabay ang pagsasabing wala nang sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Tanging buntot ng cold front ang umiiral sa eastern section ng Southern Luzon samantalang umiiral pa rin ang northeast monsoon sa Northern at Central Luzon.
Asahan na ang localized thunderstorm sa Metro Manila at magiging maaliwalas ang panahon sa kabuuan ngayong araw na ito.
—-