Posibleng maging bagyo ang Low Pressure Area o LPA na namataan malapit sa Eastern Samar.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ang sentro ng nasabing LPA ay pinakahuling namataan sa layong 450 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Sinabi ng PAGASA na maaaring maging bagyo ang LPA sa susunod na 24 hanggang 36 na oras.
Ang naturang LPA ay magdadala ng ulan at pagkilat sa Eastern Visayas, Caraga at Davao kaya’t pinapayuhan ang mga residente dito sa posibleng landslide at flash flood.