Makararanas ng manaka-nakang pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong araw.
Ito’y ayon sa pagasa ay bunsod ng binabantayan nilang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.
Huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 1,000 kilometro silangan ng General Santos City.
Dahil dito, mas lamang ang mga mararanasang pag-ulan sa bahagi ng Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.
Samantala, nananatiling naka-aapekto ang Hanging Amihan sa hilagang luzon.
Kaya’t may mararanasan ding pag-ulan sa bahagi naman ng Cordillera Region.
Habang sa bahagya hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan sa Metro Manila at karatig lalawigan na may kalat-kalat na mga pag-ulan dulot ng thunderstorm.