Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang LPA o Low Pressure Area na huling namataan sa bahagi ng Malaybalay, Bukidnon at posibleng tuluyang maging bagyo.
Inaasahang magdadala ng malalakas na pag-uulan na may kasamang pagkulog at pag kidlat ang naturang LPA sa Caraga Region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Eastern at Central Visayas at Lanao del Dur.
Pinag-iingat naman ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha at pag-guho ng mga lupa.
Samantala, inaasahan naman ang maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-uulan sa bahagi ng Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon dulot ng umiiral na North East Monsoon.