Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang namumuong sama ng panahon sa Caraga Region sa Mindanao.
Ang LPA o Low Pressure Area ay huling namataan sa layong 975 kilometro sa timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Samantala, patuloy pa ring nakakaapekto sa Luzon at Visayas ang northeast monsoon o hanging amihan.
By Jelbert Perdez