Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.
Huling namataan ang LPA sa layong 425 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Inaasahang magdadala ng pag-ulan sa bahagi ng Mindanao at eastern Visayas ang naturang sama ng panahon.
Asahan na ang bahagyang maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa malaking bahagi ng Mindanao.
Maulap na papawirin na may kasamang mahina hanggang katamtamang pag-ulan at kalat-kalat na thunderstorms ang maaaring maranasan sa Visayas, Bicol at Caraga maging sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon.
Posible namang maranasan ang maulap na papawirin na may katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan at thunderstorms na maaaring magresulta sa flashfloods at landslides ang maranasan sa eastern Visayas.
Maulap na papawirin din na may kasamang mahinang pag-ulan ang aasahan sa Cordillera at Cagayan Valley regions habang bahagyang maulap na papawirin at kalat-kalat na mahinang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa amihan.
By Drew Nacino