Binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, ang naturang LPA ay huling namataan sa layong 295 kilometro mula sa Mindanao.
Nakapaloob anito ang LPA sa Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) na humahagip sa Visayas.
Sinabi ng PAGASA na maliit ang tyansang tuluyang maging bagyo ang nasabing sama ng panahon.
Ang LPA ay magdadala naman ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkulog pagkidlat sa Mimaropa, Visayas at Mindanao.
By Judith Larino