Binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, huing namataan ang sama ng panahon sa layong 400 kilometro silangan ng Davao City.
Bagama’t mababa ang tsansang maging ganap itong bagyo, magdadala pa rin ito ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Habang makakaranas naman ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Bicol Region, Marinduque at Romblon bunsod ng trough o buntot ng LPA.
Samantala maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa maliban na lamang sa posibilidad ng mga localized thunderstorm.