Nalusaw na ang Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng Mindanao na una nang tinututukan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Gayunman, ipinabatid ng PAGASA na may binabantayan naman silang pamumuo ng kaulapan o cloud cluster sa silangang bahagi ng Mindanao.
Sinabi ng PAGASA na asahan na ang pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawang araw ng nasabing sama ng panahon.
Sa ngayon ay apektado pa rin ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) ang ilang bahagi ng bansa na nagdadala ng pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao.
By Judith Larino