Lumakas at isa nang tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa bahagi ng Visayas at ito ay tinawag na tropical depression Kabayan.
Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng tropical depression Kabayan, 75 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at inaasahang kikilos pa-kanluran hilagang – kanluran sa bilis na 19 kilometro kada oras.
Nakataas na ang public storm signal number 1 sa mga probinsya ng Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Aurora at Northern Quezon, kasama ang Polillo Island.
By Katrina Valle