Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na minomonitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ipinabatid ng PAGASA na ang sentro ng nasabing LPA ay pinakahuling namataan sa layong 1,015-kilometro, Silangan ng Davao City.
Sinabi ng PAGASA na mababa ang tyansang maging bagyo ang nasabing LPA subalit magdadala ito ng mga pag-ulan na may kasamang thunderstorm sa mga susunod na araw.
Samantala, umiiral naman ang Northeast Monsoon o Amihan sa Luzon at Visayas.
Magandang panahon din na may pag-ulan dulot ng localized thunderstorm ang mararanasan sa Mindanao.