Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa bahagi ng Eastern Samar.
Ang nasabing LPA, ayon sa PAGASA, ay pinakahuling namataan sa layong 670-kilometro silangan, hilagang-silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Sinabi ng PAGASA na hindi naman inaasahang magiging bagyo ang LPA –didikit ito sa buntot ng cold front bago tuluyang malusaw.
Ipinabatid ng PAGASA na maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa at walang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.