Isang low pressure area o LPA na nasa labas pa ng bansa ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA
Ang nasabing LPA ayon sa PAGASA ay nasa boundary ng Batanes province kaya’t mahigpit nilang binabantayan ang posibilidad na pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility o PAR.
Sakaling maging bagyo, ang nasabing LPA ay papangalanang Ester.
Sinabi ng PAGASA na hinahatak na ng nasabing LPA ang habagat na nagpapaulan sa Luzon bagamat wala pa itong direktang epekto sa bansa.
Saglit lamang umano mananatili sa bansa ang LPA dahil halos nasa boundary nito ng norte at kaagad ding lalabas ng PAR.
—-