Patuloy pa ring mino-monitor ng PAGASA Weather Bureau ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa layong 200 kilometers hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Veronica Torres, mababa pa rin ang tiyansang na maging bagyo sa susunod na 24 na oras ang LPA pero magdadala pa rin ito ng mga pag-ulan sa bahagi ng Bicol region, Visayas, Palawan, Caraga, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula.
Apektado naman ng northeast monsoon o hanging amihan ang bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Aurora, at Quezon Province.
Asahan din ang bahagyang pag-ulan hanggang sa maulap na kalangitan sa nalalabing bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila habang magiging maaliwalas naman ang panahon sa bahagi ng Ilocos region at nalalabing bahagi ng Mindanao.
Samantala, maulap na kalangitan na may tiyansa ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng mindanao dahil parin sa isolated rain showers o thunderstorms.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23 hanggang 29 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:19 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:36 ng hapon.