Nalusaw na ang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Phillipine Area of Responsibility (PAR) na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Asahan pa rin sa buong bansa ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan sa umaga at sa tanghali.
Pagdating ng hapon at gabi posible pa rin ang mga pulo-pulong pag ulan, pagkulog o isolated thunderstorms.
Samantala banayad hanggang sa katamtaman ang pag alon ng mga karagatan kaya ligtas ang paglalayag at ang pangingisda.
Sa Metro Manila ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 23 to 33 degrees celsius.
By Mariboy Ysibido