Nalusaw na ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA Wearther Bureau sa Eastern Samar.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Veronica Torres, patuloy pa ring mino-monitor ang shearline o ang pagsasalubong ng malamig na hanging amihan at easterlies o ang mainit na hangin na nagmumula sa Pacific ocean.
Apektado pa rin ng shearline ang bahagi ng central at southern Luzon kung saan, asahan ang mga pag-ulan sa Mimaropa, Calabarzon, Cagayan Valley, Isabela at Aurora.
Bahagyang pag-ulan hanggang sa maulap na kalangitan naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila, Ilocos region at nalalabing bahagi ng Mindanao.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24 hanggang 30 degrees celsius habang sisikat ang haring araw mamayang 6:20 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:36 ng hapon.