Posibleng maging bagyo ngayong weekend at papangalanang Rosal ang low Pressure Area (LPA) na namataan ng PAGASA.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing sama ng panahon ay magdadala ng matinding pag ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Mimaropa, Bicol region, Visayas, Caraga at Davao region sa susunod na 24 oras.
Dahil dito, nagbabala ang PAGASA ng pagbaha at landslides.
Ang sentro ng LPA ay pinakahuling namataan sa layong 415 kilometers silangan hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ang napipintong bagyo ay kikilos papalapit sa Caraga at Eastern Visayas ngayong araw na ito, Northern Samar at Bicol bukas at silangan ng Quezon at Aurora sa araw ng linggo.