Binabantayan ngayon ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, namataan ang nasabing LPA sa layong 700 kilometro silangan ng General Santos City.
Posibleng mamayang hapon makatawid na ang nasabing sama ng panahon sa Mindanao mula Sulu patungong Palawan.
Dahil dito, ibinabala ng weather bureau ang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa mga lugar ng Zamboanga Peninsula, Central at Eastern Visayas.
Malaki rin ang tsansa ayon sa pagasa na maging isang tropical depression ang nasabing sama ng panahon.