Ilang mga lugar sa Oriental Mindoro ang binaha dahil sa walang patid na pag-ulan bunsod ng Low Pressure Area o LPA.
Kabilang sa mga nalubog sa baha ang bayan ng Pola at Naujan kung saan ilang mga kalye ang hirap madaanan.
Nagsimula umano ang malakas na ulan pasado alas-3 ng hapon nitong linggo at pagsapit ng alas singko ng hapon ay rumagasa na ang baha sa naturang mga lugar.
Patuloy naman ang pagmomonitor ng mga otoridad sa mga binahang lugar.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico