Nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa layong 195 kilometers sa timog bahagi ng Puerto Princesa City sa Palawan.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Patrick del Mundo, mababa pa rin ang tiyansa ng LPA na maging bagyo sa mga susunod na araw pero asahan na makararanas pa rin ng mga pag-ulan ang bahagi ng Palawan, Visayas, at Mindanao.
Patuloy pa ring nakakaapekto sa bansa ang Northeast Monsoon o hanging amihan na magdadala ng malamig at maaliwalas na panahon sa kanlurang bahagi ng Luzon habang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa silangang bahagi ng Luzon.
Asahan pa rin ang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Calabarzon, Mimaropa, at Bicol region habang magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24 hanggang 31 degrees celsius habang sumikat ang haring araw kaninang 6:22 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:39 ng hapon.