Naging bagyo na ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng bansa.
Ipinabatid ng PAGASA na ang nasabing sama ng panahon ay pinakahuling namataan sa layong halos 1,700 kilometro, silangan ng Mindanao.
Taglay ng nasabing bagyo ang lakas ng hanging umaabot sa 45 kilometro kada oras at may pagbugso na 55 kilometro kada oras.
Ang naturang bagyo, ayon sa PAGASA, ay inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa darating na weekend o sa pagitan ng Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga at papangalanan itong “Bising” na ikalawang bagyo sa bansa sa taong ito.
Sinasabing mababa ang tsansang posibleng tumama ng kalupaan ang naturang bagyo.