Patuloy pa rin na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) na posibleng maging bagyo.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 1,300kilometro, Silangan ng Mindanao.
Inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo at tatawaging ‘Bagyong Dodong’.
May kahinaan ang bagyo at maliit din umano ang tiyansa nitong tumama sa kalupaan.
Ngayong araw naman ay patuloy pa ring mararanasan ang mainit na panahon dahil sa pag-iral ng ridge of high pressure area sa silangang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, magkakaroon pa rin ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan sa Metro Manila na may isolated rainshowers dahil sa localized thunderstorms.