Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) sa silangang bahagi ng Luzon na tinawag na “Julian.”
Huling namataan ang bagyo sa layong 720 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot ng 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.
Kumikilos ang sama ng panahon sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Nakataas naman ang public storm warning signal number 1 sa Batanes, northern Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Apayao at Ilocos Norte.
By Drew Nacino