Maliit pa ang tiyansa na maging ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa silangang bahagi ng Mindanao.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil sa malakas na vertical wind shear o hanging humaharang sa papalapit na sama ng panahon.
Huling namataan ang naturang LPA sa layong 795 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Gayunman, asahan pa rin ang paminsan-minsang buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon dulot naman ng umiiral na hanging amihan.
By Ralph Obina