Ganap nang bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na nabuo sa West Philippine Sea.
Ngunit ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hindi na ito papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at hinatak pa ang habagat palayo ng bansa.
Samanatala Inter Tropical Convergence Zone pa rin ang makakaapekto sa southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Dahil dito patuloy na makararanas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag ulan at pulo-pulong pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Visayas at Mindanao.
Tinatayang pinakamalakas ang ulan bukas sa Mindanao lalo na sa Davao, Cotabato at Zamboanga Peninsula.
Maulap na papawirin na may pulo-pulong pagkidlat pagkulog naman ang mararanasan ng nalalabing bahagi ng bansa.
By Mariboy Ysibido