Nalusaw na ang binabantayang low pressure area sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon ito sa PAGASA na nagsabing wala pa namang namamataang bagong sama ng panahon.
Samantala, sinabi ng PAGASA na mawawala rin ang mga pag ulan sa Northern Luzon na dulot ng buntot ng cold front.
Easterlies lang o mainit na hangin na nanggagaling sa Pacific Ocean ang umiiral sa bansa na nagdadala rin ng mainit na panahon lalo na sa tanghali subalit may posibilidad din ng mga pag ulan dahil naman sa localized thunderstorm.
Maaari namang bumalik sa susunod na linggo ang northeast monsoon o amihan na makakaapekto sa Luzon at eastern portion ng Visayas.