Taas presyo sa kada tangke ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ang sasalubong sa publiko sa unang araw ng Setyembre.
Batay sa pagtaya, tataas ng mula P1.50 hanggang P2 ang kada kilo ng LPG.
Dahil dito posibleng umabot sa P16.50 hanggang P22 ang dagdag-presyo sa kada regular na tangke nito.
Samantala, sa ikaapat na sunod na linggo ay inaasahang magpapatupad muli ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis.
Sa unang tatlong araw ng trading, nagmahal na ng P0.93 ang kada litro ng diesel, P0.63 kada litro ng gasolina at P0.74 ang dagdag sa kada litro ng kerosene o gaas.—AR
—-