Asahan na ang rollback sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa susunod na linggo.
Epektibo sa Lunes, August 1, alas-6:00 ng umaga, tatapyasan ng kumpanyang Solane ng P0.82 ang kada kilo ng kanilang LPG.
Katumbas ito ng P9.02 na bawas sa kada 11-kilogram LPG cylinder.
Samantala, inaasahan namang sunod na mag-aanunsyo ng LPG rollback ang iba pang kumpanya.
By Meann Tanbio