Sinalubong ng taas presyo sa Liqufied Petroleum Gas (LPG) ang unang araw ng taong 2020.
Simula kasi kahapon, epektibo na ang P7.55 na dagdag sa kada litro ng LPG ng Phoenix Super LPG at Petron o mahigit P83 kada 11 kilong tangke.
Habang 4.25 per liter naman ang dagdag na halaga sa kada kilo ng auto LPG ng naturang mga kumpanya ng langis.
Bahagya namang mas mababa naman ang ipinataw na dagdag presyo sa LPG ng kumpanyang Solane na umabot lamang sa P6.74 kada kilo.
Samantala, hindi na nakiusap pa ang Department of Energy (DOE) sa mga kumpanya ng langis na utay-utayin ang malakihang dagdag presyo sa LPG dahil baka malaki rin ang itaas nito sa susunod na buwan kaya posibleng magpatong patong lang ang dagdag presyo.