Guilty ang hatol ng Malabon City RTC kay LPGMA Party list representative Arnel Ty
Kaugnay ito sa hindi umano otorisadong pag refill ng LPG mula sa Malalaking oil companies na Pilipinas Shell, Petron at Total Gas
Ayon sa Korte sapat ang mga ebidensyang inilatag ng prosecution para patunayang nagkasala ito sa shortselling at adulteration ng petroleum at petroleum products
Pinagbabayad ng Korte ng 50,000 Piso si Ty na may ari ng Regasco o Republic Gas Corporation refilling plant
Pinaka kansela rin ng Korte ang license to operate ng REGASCO at forfeiture pabor sa gobyerno ng petroleum products na nakuha mula sa bodega nito
By: Judith Larino