Hinikayat ng League of Provinces of the Philippines (LPP) ang Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot test sa distance learning strategies na ipatutupad nila sa pagbubukas ng klase sa Agosto.
Ayon kay Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr, pangulo ng LPP, layon nito na makita kung saan magkakaruon ng malaking problema sa bagong sistema ng edukasyon.
Mahirap anya ang hindi sigurado dahil tiyak na madidismaya at magkakaruon lamang ng diskriminasyon sa mga estudyante na walang smartphone, laptop o gudget na gagamitin sa klase.
Una rito, nagpahayag ng pagkabahala sa distance learning ang ilang LGU’s sa mga lugar na, hindi lamang liblib kundi maraming bulubunduking barangay na hindi naaabot ng internet.
Matatandaan na isinusulong ng LPP na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa Oktubre o Nobiyembre sa halip na Agosto.