Labis ang pasasalamat ng samahan ng mga gobernador ng Pilipinas sa isang grupo dahil sa mga ambulansya na ibinigay nito sa bawat probinsya.
Pahayag ni Gov. Presbitero Velasco, Pangulo ng League of Provinces of the Philippine (LPP), kailangang-kailangan ng mga karagdagang ambulansya para magamit ng mga ospital sa mga lalawigan.
Sinabi ni Velasco na isang text lang ang ginawa nila sa Pitmaster Foundation at ipinadala agad ang mga ambulansya.
Sinasabing 81 o bawat lalawigan ang binigyan ng ambulansya ng nasabing foundation.
Ayon naman kay Pitmaster Foundation chairman Charlie “Atong” Ang, walo na ang nai-deliver sa mga lalawigan pero natigil lamang ang paghahatid sa mga nasabing medical transportation dahil sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Sinabi ni Ang na nais lamang nilang makatulong sa gobyerno sa laban nito kontra COVID-19.