Pabor ang League of Provinces of the Philippines (LPP) na mailagay sa ang buong bansa sa modified general community quarantine (MGCQ) sa Marso.
Ayon kay LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., bagama’t mayroong mga lugar na mataas ang infection o transmission rate, maaari pa ring gawing MCGQ ang lahat ng lugar nang sa ganon ay makita rin aniya ang polisiya ng gobyerno para pagalawin ang ekonomiya ng bansa.
Gayunman nilinaw ni Velasco, na dapat pa ring bigyan ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan para baguhin ang estado sa kanilang nasasakupan sakaling makitaan muli ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Tinutukoy dito ni Velasco, ang pagpapatupad ng lockdown o pagbabalik ng isang lugar sa ECQ o GCQ dahil umano sa iba-iba ang sitwasyon sa bawat probinsya.