Gumagamit ng ultra violet (UV) technology ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) para ma-disinfect ang mga tren ng LRT-1.
Gamit ng LRMC ang ultra violet lamps na nilikha ng UP College of Engineering coronavirus disease 2019 (COVID-19) response team para ma-sterilize ang personal protective equipment (PPE)’s sa pamamagitan ng pagpatay sa bacteria at viruses.
Sa ngayon ay lumilikha na ang LRMC at UPNEC ng disinfection equipment gamit ang ubc technology na regular nang magagamit sa LRT-1 trains.
Ginagamit muna pansamantala ng LRMC ang prototype handheld na 360 degree UVC lamps ng UPNEC gayundin ang 180 degree UVC lamps na binili naman mula sa Taiwan.
Ipinabatid ng LRMC na sa pagbabalik ng biyahe ng LRT-1 ang UVC lamps ay gagamitin araw araw sa pag disinfect sa mga tren sa end stations sa Roosevelt at Baclaran.
Gagamitin din ito sa nightly sanitation activities sa LRT-1 depot facility.