Positibo ang Department of Transportation o DOTr na matatapos nila ang Light Rail Transit o LRT Line 1 extension sa Bacoor, Cavite sa 2021.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, tiwala sila na matatapos ang proyekto kahit pa naunsyami ang konstruksyon nito na sisimulan sana noong nakaraang buwan.
Sa ilalim ng proyekto, inaasahan na mas mapapabilis sa tatlumpung minuto ang biyahe mula Parañaque hanggang Bacoor mula sa dating mahigit isang oras na oras na biyahe nito.
Sinabi pa ni Tugade, nasa mahigit apatnaraang libong (400,000) mga pasahero ang mabibigyang serbisyo ng LRT-1 Cavite extension sa unang taon pa lamang nito.
—-