Ipinagmalaki ng Department Of Transportation (DOTR) na malapit nang matapos ang Cavite Extension Project ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).
Ayon kay DOTR Undersecretary for Railways Timothy John Batan, nangangalahati na o 50.54% na ang overall progress rate ng rail extension ng LRT-1 kung saan inaasahan na sa Disyembre 2021 ay magkakaroon na ng partially operation ang kanilang redemptorist station sa Baclaran.
Ang Cavite extension ay may habang 11.7 kilometro mula Baclaran station at babaybay ito sa walo pang istasyon na kinabibilangan ng Redemptorist Station, MIA Station, Asia World Station, Ninoy Aquino Station, Las Piñas Station, Zapote Station, at Niog station.
Inaasahang mapapaikli ng rail line ang oras ng biyahe mula Baclaran hanggang Bacoor City, Cavite mula 2 oras hanggang 25 minuto na lamang.